malungkot-na-buhay-pag-ibig
how complicated life can be? huwaw..lalim..pero hindi ko rin alam ang sagot..andaming nangyayaring hindi mo aakalaing mangyayari..parang kahapon lang tahimik at maayos ang mundo ko. ngayon, komplikado na. ang gulo. ang labo. ako, ayokong mag tanong kung bakit.. kasi takot ako sa isasagot ng tatanungin ko. lagi na lang akong nasasaktan. umiiyak. oo nga, no pain, no gain. pero ako puro pain, asan ang gain? akala ko natuto na ko. natuto naman ako, kaya lang may mga bagay talagang hindi mo lubos iisipin na mangyayari pero nangyayari na. minsan, mapapaisip ka, lagi ka na lang bang iiyak sa gabi pag tulog na silang lahat? uubusin mo na lang ba lagi yung stock ng tissue na binibili ng kapatid mo at lagi na lang syang magtataka na 2 pack ng tissue ang nabawas overnight? lagi ka na lang bang tititig sa wallpaper ng cellphone mo? lagi ka na lang bang maghihintay na tumunog ang phone mo at aabangan na yung ringer id na "you and me" (lighthouse) na tumunog? ang hirap. napakakomplikado. sa palabas o pelikula nga, manuod ka lang maiiyak ka na kapag nahihirapan na yung mga bida, e pano pag sa yo pa nangyari? alam mo ba gagawin mo maliban sa umiyak at magdasal ng tahimik sa gabi? tatakasan mo ba ang katotohanang minsan ka ng naging talunan at di maglalaon mauulit ang di mo na gustong mangyari pa? minsan ba naisip mo na ikaw na lang lagi ang nagmamahal, nagpaparaya, at umuunawa. pano ka naman? pano naman ang puso mong durog na nga, dinudurog pa lalo? pano mo tatanggapin na minsan kinalimutan mo ng maniwala pero ngayong sinubukan mong ulit, mukang mauulit pa ang biro nuon? ang gulo. ang sakit. minsan, ayoko na lang umimik. pero imposible yun para sa akin. mahahalata niyo lang ang kirot sa dibdib ko. ayoko mangyari yun. kasi yung iba nga sa kin na kumukuha ng lakas para ipagpatuloy ang buhay, ipapakita ko pa bang mahina din ako? oo lam ko, mahal tayo ng Diyos, at di Niya tayo kailanman bibigyan ng problemang ganito kund di Niya alam na kaya natin. Hanggang kelan ako magpaparaya? magmamahal ng sobra pero kahit kailan di mapapantayan nino man? sasabihin mo lang na gusto mo ako…Pero panandalian lang. hanggang kailan ako maniniwala? hanggang kailan ka magsasabi na babalik ka kahit malabo na sa hinaharap na bumalik ka sa puso kong dinurog mo at hindi na kailanman mabubuo pa? hanggang kailan? hanggang kailan..
April 17th, 2007 at 11:33 pm
hanggang kailan nga….? :’(
May 10th, 2008 at 2:24 am
huhuhu